Bagong mall shopping hours, excavation ban arangkada na – MMDA

Simula na ngayong araw ang pagbabago sa mall hours sa Metro Manila at ban sa paghuhukay sa mga pangunahing kalsada.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), alas-11:00 ng umaga na ang pagbubukas ng mga mall habang pinapayuhan sila na habaan naman ang operasyon sa gabi.

Bawal na rin muna ang paghuhukay sa mga kalsada maliban sa emergency works tulad ng pag-aayos ng suplay ng tubig at iba pang proyekto na bibigyang permiso ng MMDA.

Samantala, mula alas-11:00 ng gabi hanggang alas-singko ng umaga naman ang oras ng mga delivery, maliban sa mga produktong madaling masira tulad ng pagkain.

Limitado rin ang pagdaraos ng mall-wide sale tuwing weekend bagamat maaari silang magsagawa ng kanya-kanyang sales.

Ipapatupad ang nasabing moratorium hanggang Disyembre 25, 2024. (Don King Zarate)

The post Bagong mall shopping hours, excavation ban arangkada na – MMDA first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments