Panalo ni Jiu-jitsu silver medalist Babanto, binida ng martial arts community

Sanib-puwersa ang mga personalidad sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang tagumpay ni Zeus Babanto, Silver Medalist sa World Youth Jiu-Jitsu Championship sa Greece.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng mga kilalang tao sa martial arts community, kabilang ang Judo National Team Olympian Capt. Benjie McMurray, Ret., Judo Black Belt Dr. Jose Antonio E. Goitia, PhD, Presidente ng Philippine Combat Sports Association (PCSA) at 1st nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) Party List, Coach Stephen Kamphuis, Head Coach ng Jiu-Jitsu National Team at proprietor ng KMA Gym, Coach Estie Gay D. Liwanen ng Kurash Philippines, Jiu-Jitsu Federation of the Philippines, at ang ating Judo coach, Gen. Joel Joseph Cabides (AFP) (Ret.), Presidente ng ating Veterans Judo Club at dating Commanding General ng AFP Reservist Command.

Ipinaaabot naman ng PCSA ang pasasalamat kay G. Vic Pinlac, Judo at Wrestling Practitioner at dating Secretary General ng PAJA at G. Gil Montilla.

Ipinahayag nina Dr. Goitia at Capt. Mcmurray, ang nakatakdang 1st President Ferdinand R. Marcos, Jr. Combat Sports Championship sa Pebrero 2025.

“Join us this February 2025 at ULTRA in Pasig City as we embark on a new era in combat sports, dedicated to producing future champions,” saad ng PCSA.

The post Panalo ni Jiu-jitsu silver medalist Babanto, binida ng martial arts community first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments