Mga investor sisibat kapag tumindi tensiyon sa PH

Posibleng mabawasan ang mga investor o namumuhunan sa bansa dahil sa pagkadismaya sa tensiyong namamagitan kina Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte.

Ayon sa political analyst na si Prof. Froilan Calilung, makaaapekto ito sa seguridad ng bansa maging sa tiwala ng publiko sa gobyerno.

Sinabi pa ni Calilung sa programang ‘Easy Lang’ na posibleng makasira ito sa maayos na daloy ng ekonomiya ng bansa.

“Certainly, these things could really also impact on public trust lalong-lalo na itong mga threats. I think this are really uncalled for especially because these is going to disrupt the otherwise smooth flow of our economic and social political atmosphere,” paliwanag niya sa programa ng Abante Radyo.

“It may create a loss of investor confidence,” babala pa niya.

The post Mga investor sisibat kapag tumindi tensiyon sa PH first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments