Sino raw itong politiko na patuloy na pinagtsitsismisan dahil sa panggigigil nito sa kanyang bagong misis noong sila ay ikinasal?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, bagamat matagal nang kinasal ang politiko sa bago niyang asawa, hindi pa rin mabura sa isipan ng ilang Marites ang eksena sa simbahan.
Hanggang ngayon daw, inookray pa rin ang politiko sa sobrang panggigigil nito sa paghalik sa kanyang bride noon. Eh paano ba naman kasi, parang kumakain ng kuhol itong ating bida kung humalik, daig pa ang French kiss sa pagsupsop at sa paglabas ng dila nito.
Tanders na kasi ang politiko at malaki ang agwat sa bagong asawa kaya parang galing sa Sahara Desert na uhaw na uhaw sa pagsipsip ng labi ng kanyang esmi.
Biro tuloy ng iba, mas matindi pa ang sipsipan kung nasa loob na sila ng kuwarto, aba’y sigurado raw na parang vacuum cleaner na hinihigop pati ang tartar ng ngipin.
Ang tanong lang ng iba, magkakaroon pa ba kaya ng flag raising si lolo o kailangan na niya ang saklolo ng blue pill?
Clue: Ang politiko na inokray dahil sa torrid kissing sa simbahan ay muling tatakbo sa darating na halalan at puwedeng i-relate ang pangalan sa isang batas.
The post Politiko inokray sa lawit-dila kay esmi first appeared on Abante Tonite.
0 Comments