Na-scam ka ba? `Wag tumalak sa social media, i-report n`yo – CICC

Nanawagan ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) sa mga biktima ng scam na mag-report sa mga awtoridad kaysa magreklamo sa social media.

Ayon kay CICC Executive Director Alexander Ramos, maaring tumawag sa kanila ang mga na-scam para matulungan sa imbestigasyon imbes na dumiretso sa social media para isapubliko ang kanilang mga problema.

Ito’y kaugnay sa naging problema ng isang e-wallet at nag-viral ang hinaing ng mga user sa social media.

“We encourage the public to please report to CICC if they were affected by the recent e-wallet losses. We may be able to assist them if they call 1326 so they can be assisted in the investigation instead of posting their losses in social media,” saad ni Ramos.

Sinabi pa ni Ramos na hindi naman makakatulong sa problema kung magtatalak sa social media platform ang mga nawalan ng pera sa e-wallet.

Nakikipagtulungan na ang CICC sa e-wallet app para malaman kung paano makatulong sa mga naapektuhan ng hindi awtorisadong fund transfer.

Itinatag ang CICC bilang attached agency ng Department of Information and Communications Technology (DICT) alinsunod sa Republic Act No. 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012. (Ray Mark Patriarca)

The post Na-scam ka ba? `Wag tumalak sa social media, i-report n`yo – CICC first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments