Nahihirapan na umano ang ilang tindera sa Guadalupe Market sa Makati City dahil sa epekto ng magkakasunod na bagyo sa kanilang mga panindang produkto tulad ng gulay na sumirit ang presyo.
Isa si Gloria Tabaosares sa mga tindera sa naturang palengke na nagsabing nahihirapan silang ibenta ang mga gulay dahil sa mataas na presyo.
Hindi rin sila muna nag-iimbak ng maraming gulay para hindi malugi.
Sa ngayon ito ang ilang gulay na nagtaas ng presyo sa mga palengke per kilo: carrots dating P80 naging P120, kamatis dating P50 naging P120, talong dating P80 naging P150, ampalaya dating P70 naging P150 habang ang Baguio beans na binebenta dati sa halagang P60 ay naging P130.
Samantala, kasabay ng pananalasa ng Bagyong Nika, nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na may binabantayan pa silang low pressure area sa labas ng Philippine Area of Responsibility na posibleng maging bagyo. (Don King Zarate)
The post Presyo ng mga gulay dumoble first appeared on Abante Tonite.
0 Comments