Umangal ang ilang dating residente ng Makati City sa pagsasara ng mga health center sa mga barangay ng EMBO nakaraang taon, matapos umatras si Makati Mayor Abby Binay sa nauna niyang pangako na ipasa ang mga ito sa Taguig.
“Masakit sa amin ang ginawa niya, lalo na sa mga [health] centers. Alam niya na maraming mahihirap ang ‘di kayang pumunta sa private [hospitals], tapos ganyan ginawa niya? Sinarado niya,” ayon kay Mary Grace Garcia, residente ng EMBO (Enlisted Men’s Barrio).
Inalmahan din ng mga residente ang pagtanggal ng mga ‘yellow card,’ na dati’y nagbibigay ng libreng serbisyong medikal sa 10 barangay ng EMBO.
Lalong naging mahirap ang sitwasyon para sa mga pasyente, partikular na ang mga senior citizen tulad ni Armando Santocildes, na labis na nadismaya sa pangyayari.
“Bilang isang senior [citizen], asan na ang mga [health] centers? Dati napakalapit, pero ngayon nagdudusa na ako. Pumupunta pa ako ng Taguig,” ani Santocildes.
“Kung ang adhikain nila ay makatulong sa masa, dapat [mga programa nila] pang-masa. Katulad ng mga basketball courts at health centers—lahat ’yan pinasarado nila. Asan yung sinabing ‘makatao’? Nawala yun, kasi kung talagang makatao ka, iintindihin mo yung mga taong nangangailangan talaga,” dagdag pa niya.
Kasabay nito ay umalma ang ilang dating constituent ni Mayor Abby sa pagkaladkad ng alkalde sa mga Cayetano
“Dapat ’di na ginagamit ni Abby Binay ang mga Cayetano para sumikat pa. Sana po, mga taga-EMBO, gumising na po tayo sa katotohanan,” dagdag ni Santocildes.
0 Comments