Mga senatoriable humabol sa online campaign registration

Nakapagsumite ng aplikasyon para magparehistro ng kanilang social media campaign platforms sa Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato sa pagka-senador.

Batay sa inilabas na datos ng komisyon, nasa 70 senatorial candidate na ang nagparehistro.

Bineberipika na rin ng Comelec para makita kung lahat ng kandidato sa pagka-senador ay nakapagsumite ng registration forms.

Sa inisyal na listahan na inilabas ng Comelec, 66 ang nakapasok sa listahan ng senatorial elections sa 2025.

Nitong Biyernes, Disyembre 13, natapos ang pagpaparehistro para sa social media platform ng lahat ng kandidato sa 2025 midterm elections.

Para sa mga nagsumite sa huling araw, ayon sa Comelec, bibigyan nila ito ng limang araw na palugit para naman ipasa ang pisikal na kopya ng kanilang registration forms.

Ipinatupad ang registration ng online campaign platform sa lahat ng kandidato sa ilalim ng Comelec Resolution No. 11064. Obligado silang iparehistro ang kanilang social media accounts, page, website, podcast, blog, vlog, at iba pang online at internet-based campaign platform. (Andrea Salve)

The post Mga senatoriable humabol sa online campaign registration first appeared on Abante Tonite.

Post a Comment

0 Comments