Nasilaw sa kinang ng pera

Hindi pa rin humuhupa ang pamba-bash sa slugger at Dominican na si Juan Soto matapos nitong iwanan ang New York Yankees at sunggaban ang $765 milyong (P45 bilyon) offer para maglaro sa New York Mets sa Major League Baseball (MLB).

Inayawan niya ang offer ng Yankees na $760 milyon (P44.7 bilyon). Maliit na diperensiya lang ang pagitan pero may signing bonus na $75 milyon (P4.4 bilyon) ang Mets kumpara sa $60 milyon (P3.5 bilyon) offer ng Bronx team.

Nagdahilan si Soto na hindi raw siya kinausap ng mga dating teammate sa New York Yankees simula nang matalo sila sa World Series ng Los Angeles Dodgers. Isa pa, lumutang din ang isyu na wala raw siyang libreng luxury suite sa Yankee Stadium.

Nasupalpal ang palusot ni Soto nang mabuking na nagpalit pala siya ng cellphone number. Kaya naman pala hindi siya matawagan eh dahil iba na ang kanyang number.

Doon na tumibay ang paniniwala ng mga supporter ng Yankees na nasilaw sa kinang ng pera si Soto kaya hinablot ang offer ng Mets. Matatanggap pa raw nila kung pumunta ito ng Red Sox o Dodgers dahil malayo ito sa New York pero hindi sa Mets na parang kapitbahay lamang ng Yankees.

Isa pa, dalawang beses lang nagkampeon sa World Series ang Mets, pinakahuli ay noong 1986 pa kumpara sa Yankees na nag-uwi ng 27 titulo. Sabi nga ng iba, kamoteng team ang Mets.

Kinukuwento natin ito dahil hindi lang naman sa sports naiimpluwensiyahan ang desisyon ng isang tao kundi pati na rin sa larangan ng politika.

May mga kandidato na inaalok ng malaking halaga para umatras lamang sa halalan. Mayroong pumapatol, mayroon namang tumatanggi.

Kapag nahalal naman ang isang kandidato, maraming temptation kapag may iniimbestigahang anomalya at nasaktan ang tinatamaan. Naging open secret sa larangan ng politika ang kaso ng isang mambabatas na tumanggap umano ng daang milyong piso para palabnawin ang isinusulong na imbestigasyon sa isang isyu.

Bihira na lamang siguro ang masasabing hindi nasisilaw sa kinang ng pera. Sila yung politikong ipinaglalaban na ilabas ang katotohanan sa anomalya o kontrobersiya kahit alukin ng malaking pera o pabor.

Sa 2025 elections, piliin ang mga kandidatong walang bahid ng anomalya at ipinaglalaban ang karapatan ng bawat Pilipino. Huwag magpadala dahil sa kasikatan ng kandidato. Huwag magpaloko sa mga vlog kung alam ninyong may nagpopondo sa mga ito.

Tulad ng iba, nasilaw din sila sa kinang ng pera mula sa POGO at illegal gambling para mag-vlog laban sa target na personalidad.

The post Nasilaw sa kinang ng pera first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments