Inaabangan pa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang dokumentong magbibigay ng hudyat sa kanya para magdeklara ng food security emergency.
Sa 2025 Budget Execution Forum, sinabi ni Laurel na kailangan kasing sundin ang proseso ng gobyerno, partikular sa mga ahensiyang dadaanan ng deklarasyon.
Pero tiniyak ng kalihim na may sapat pang oras bago dumating ang anihan ng mga magsasaka.
“Pati ako medyo nagmamadali rin to be honest and I feel the farmers, but of course there’s a process that every government agency has to go through, well bago papirmahan sa mga head of agency, it has to go through iyong pagba-barcode, iyong paganon,” ani Laurel.
Umiikot na aniya ang dokumento at may oras pa kaya maidedeklara ang food security emergency sa takdang panahon.
Nag-aalala umano ang mga magsasaka na baka abutan ng anihan ang pagdedeklara ng food security emergency at maapektuhan ang kanilang ani lalo na kung hindi mabakante ang mga bodega ng National Food Authority.
Kapag naideklara ang food security emergency ay ipapalabas ang mga imbak na bigas ng NFA para maibenta sa mga local government unit. Layunin nito na lumuwag ang mga bodega para sa mga bagong bibilhing palay mula sa mga magsasaka.
Sinabi ni Laurel na kahit wala pa ang pinal na rekomendasyon mayroon na aniyang plano ang NFA na magbenta ng bigas sa mga lokal na pamahalaan, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at sa mga government-owned and controlled corporation. (Aileen Taliping)
The post Agri chief nababagalan sa deklarasyon ng food security emergency first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments