Itinanggi ng Malacañang ang puna ng Makabayan Bloc na sinasadya umano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na harangin ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na saklaw ng kapangyarihan ng Kongreso ang proseso ng impeachment at kaya lang nagsalita ang Pangulo na ayaw nito ng impeachment ay dahil tinanong ito kung pabor ba o hindi sa impeachment.
“It is only an opinion that he stated because he probably…the thinking of the President is that might be distracting us from our agenda or our move forward,” ani Bersamin.
Binigyang-diin ng kalihim na hindi maaaring diktahan ang Kamara de Representantes sa proseso ng impeachment dahil isa itong co-equal branch ng pamahalaan.
Inilahad lamang aniya ng Pangulo ang kanyang posisyon sa isyu subalit hindi nito hinaharang ang impeachment dahil kapag nagdesisyon ang mga mambabatas ay walang makakapigil sa mga ito.
“We have autonomy, independence and so on, we cannot dictate on the other branches of the government,” dagdag ni Bersamin. (Aileen Taliping)
The post PBBM walang paki sa impeachment laban kay VP Sara Duterte – Bersamin first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments