COA: P152M ultra-low temperature freezer para sa mga COVID-19 bakuna nakatengga

Nagbabala ang Commission on Audit (COA) na nanganganib na masayang lamang ang P152 milyong halaga ng mga ultra-low-temperature freezer na binili ng gobyerno para sa COVID-19 vaccination program noong panahon pandemia.

Base sa special audit na isinagawa mula Mayo 2023 hanggang Enero 2024 sa national vaccination drive laban sa COVID-19, binanggit ng COA na ang ilang ultra-low-temperature freezer ay nananatiling hindi ginagamit.

“Failure to properly repurpose these freezers could also result in failing to maximize the government funds spent and the value of donations on the said equipment,” saad ng COA.

Sa 243 na freezer na nasa maayos umanong kondisyon noong Hulyo 2024, 166 ang binili ng gobyerno habang ang natitira ay nagmula sa mga donor.

Ginamit ang mga freezer upang mag-imbak ng mga bakuna para sa COVID-19 lalo na ang tatak na Pfizer-BioNTech na kailangang panatilihin at dalhin sa mga temperaturang mula minus 90 degrees Celsius hanggang minus 60 C.

The post COA: P152M ultra-low temperature freezer para sa mga COVID-19 bakuna nakatengga first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments