Sinita ng Commission on Audit (COA) ang foreign travel expenses ng Tourism Promotions Board (TPB) na pumalo sa halos P5 milyon noong 2023.
Inilarawan ng COA ang naturang gastos sa mga pagbiyahe sa ibang bansa bilang “unnecessary and excessive” dahil may mga opisyal umano na kasama sa mga biyahe na kalabisan na o wala namang kinalaman ang trabaho sa pangingibang bansa.
Kinuwestiyon pa ng COA ang 57 porsiyentong pagtaas sa foreign travel expenses ng TPB noong 2023 na karamihan ay dahil sa “Bisita, Be My Guest (BBMG)” program ng Department of Tourism (DOT).
Ayon sa COA, pangunahing ahensiya na nagsusulong ng naturang programa ang DOT at supporting role lamang ang papel ng TPB.
Kung kaya’t hindi umano kailangan na maraming personnel ng TPB ang isali sa mga event para sa naturang programa.
“The TPB only aids its implementation and has minimal participation, which can be inferred from the lack of accomplishment reports of the TPB personnel. Hence, it is questionable for TPB to deploy multiple personnel for the performance of redundant responsibilities and/or with unrelated functions,” sabi ng COA.
Binanggit ng komisyon na ilang opisyal ng TPB ang sumama sa mga biyahe sa ibang bansa ngunit kuwestiyonable ito dahil pare-pareho o di-kaya ay kalabisan na ang kanilang papel sa programa.
Nabatid sa ulat ng COA na sumama ang mga TPB personnel sa BBMG events na ginanap sa Tokyo, Japan; San Francisco, California; London; Germany; at Dubai, United Arab Emirates.
Samantala, sumagot naman sa COA report ang pamunuan ng TPB at sinabing walang polisiya ang ahensiya kaugnay sa partisipasyon ng mga personnel nito sa iba’t ibang international events.
Ngunit ikinatuwiran din ng TPB na kailangan nito magpadala ng ilang opisyal sa mga overseas event para siguraduhing mayroong sapat na bilang ng kanilang mga tauhan ang mangangasiwa sa “critical tasks.”
Tiniyak naman ng TPB sa COA na tutugunan ng ahensiya ang mga puntos ng komisyon at maglalagay sila ng mga panuntunan para sa pagbiyahe ng kanilang mga tauhan sa ibang bansa.
The post Tourism Promotions Board sinupalpal sa P5M foreign travel expenses first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments