Sino raw itong alkalde sa Luzon na atat mamili ng boto kahit hindi pa nagsisimula ang kampanya para sa May 12 national at local elections?
Ayon sa nakalap ni Mang Teban, pinalakad na raw ni yorme ang kanyang mga alipores para mamili ng boto sa kanyang nasasakupan.
Nagsagawa raw ng house-to-house ang mga bata ni mayor para lang alukin ng cash ang mga botante. Bawat pipirma sa listahan ay bibigyan umano ng P1,500 bukod pa sa kaunting grocery pack.
Gusto yatang makasiguro ni mayor na hindi na masusungkit ng kanyang kalaban ang mga botante kung nakalista na ang mga ito sa nabigyan ng kanyang biyaya.
Lingid sa kaalaman ni mayor, tuso rin ang maraming botante dahil naghihintay din sila ng perang ibibigay ng kalabang kandidato.
Kung mas malaki raw ang ibibigay ng kalaban ay baka ito na lang ang iboto nila at hindi ang kuripot na mayor.
Clue: Ang mayor na atat mamili ng boto ay puwedeng i-relate sa partidong nagkakaisa.
For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments