Malaking pondo para sa dalawang flagship projects ng gobyerno sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr) ang natapyasan ng pondo.
Ito ang inamin sa Bagong Pilipinas public briefing ni Transportation Secretary Jaime Bautista kasunod ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilang items ng 2025 General Appropriations Act bago ito pinirmahan.
Pero sa kabila nito, sinabi ni Bautista na hindi naman gaanong naapektuhan ang implementasyon ng mga mga proyekto tulad na lamang ng Metro Manila Subway at North-South Commuter Railway dahil tiniyak ng development partners na patuloy silang magpapautang para matapos ang mga nabanggit na imprastraktura sa transportasyon.
Sinabi ng kalihim na nakausap na nila ang Asian Development Bank (ADB), Japan International Cooperation Agency (JICA) at Exim Bank kung saan tiniyak na maipapatupad ang mga programa ng DOTr.
Aminado ang kalihim na malaking halaga ang binawas sa pondo ng DOTr subalit mayroon naman aniyang loan agreement sa mga development partner para ipagpatuloy hanggang sa matapos ang mga mahalagang proyekto ng gobyerno. (Aileen Taliping)
The post Metro Manila Subway, North-South Commuter Railway sapol sa tapyas-pondo first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments