Sasampolan ng disqualification case ng Commission on Elections (Comelec) ang mga politiko na makikilahok sa distribusyon ng mga cash assistance ng gobyerno tulad ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Sa panayam sa “Agenda” primetime news ng Bilyonaryo News Channel, inihayag ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na isang election offense ang paggamit ng pera ng gobyerno.
“Nito pong mga nakaraang panahon, nakikita po natin na ito ay sadyang inaabuso ng ilang politiko o ilang kandidato at ang tawag nga natin dyan ay abuse or misuse of public funds. Technically parang vote buying yan kapag ginamit mo ng legal na dahil dini-distribute ito at ipinamamahagi sa mga kababayan natin,” sabi ni Garcia.
Binigyang-diin ng Comelec chief na dapat malaman ng mga tao na karapatan nilang makatanggap ng mga ganitong ayuda mula sa gobyerno at hindi dapat ginagamit ng mga politiko para makakuha ng boto.
Nauna rito ay nagpasya ang Comelec na pahintulutan ang AKAP at iba pang programa ng Department of Social Welfare and Development na magpatuloy sa kabila ng spending ban kaugnay ng 2025 midterm elections.
“Sana po maunawaan ng lahat, kahit pa ordinaryong opisyal o empleyado, ng isang kawani na humingi sa amin ng exemption na `yan po ay isang election offense, paglabag po `yan therefore pagka po may abuse of state resources `yan po ay kasong krimen na may isa hanggang anim (na taong) pagkakakulong, may criminal at administrative liability,” ani Garcia.
“And at the same time pupuwedeng pong maging ground ng disqualification. Nitong nakaraang eleksyon nga po, nung 2022, meron kaming mga dinisqualify na mga governors, mayors dahil sa maling paggamit ng pondo ng sambayanan,” dagdag pa niya.
Babala ni Garcia na mahaharap sa habambuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng puwesto sa gobyerno kapag napatunayang nagkasala sa ilalim ng Omnibus Election Code. (Billy Begas)
The post Comelec pinitik mga politiko sa ayuda: Technically parang vote buying `yan! first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments