PBBM hinamon ang China sa Typhon missile ng Amerika

Sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pag-iingay ng China kaugnay sa re-deployment ng Typhon missile launchers ng Estados Unidos sa ibang lokasyon sa Luzon.

“Well, I don’t understand their comments on the Typhon missile system. We don’t make comments on their missile systems and their missile systems are a thousand more powerful than we have. So I don’t understand, you know,” sabi ng Pangulo sa ambush interview sa kanya sa Cebu City.

Kaugnay nito, hinamon ni Pangulong Marcos ang China na magkaroon ng kasunduan at itigil ang pag-aangkin sa mga teritoryo ng Pilipinas, gayondin ang pangha-harass sa mga mangingisdang Pilipino, ang paggamit ng water cannon at pagbangga sa mga barko ng Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na kung ititigil ng China ang mga marahas na ginagawa sa mga tropa ng gobyerno kasama na rito ang paggamit ng laser at iba pang agresibong aksiyon ay ibabalik niya sa dating puwesto ang Typhon missile launchers.

“Let’s make a deal, stop firing lasers at us and stop your aggressive and coercive behavior and we return the Typhon missiles. Tigil nila `yung ginagawa nila, ibabalik ko lahat `yan,” dagdag ng Pangulo.

Ang Tomahawk cruise missiles sa launchers ay kayang targetin umano ang China at Russia mula sa Pilipinas. Habang ang SM-6 missiles ay kayang tamaan ang target sa dagat o himpapawid ng mahigit 200 kilometro ang layo. (Aileen Taliping)

The post PBBM hinamon ang China sa Typhon missile ng Amerika first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments