PBBM tututukan lumolobong problema ng teenage pregnancy sa `Pinas – Malacañang

Gagawa ng mga kaukulang aksiyon ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. upang tugunan ang problema sa dumaraming kaso ng mga batang maagang nagbubuntis sa buong bansa.

“The government will do its part, whatever it entails na maibsan natin `yung increasing rates of teenage pregnancies,” sabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa panayam ng mga reporter sa Pasay City.

Tinanong kasi ang kalihim tungkol sa nakakaalarmang bilang ng mga batang babae na maagang nabubuntis.

Aminado si Bersamin na isang seryosong problema ang teenage pregnancy sa bansa.

“Kulang ang education or pabaya ‘yung mga teenage na mothers. That is a very serious problem. There are multi-faceted concerns diyan,” ani Bersamin.

Sang-ayon din si Bersamin sa paghahain ng substitute bill ni Senador Risa Hontiveros matapos na maging kontrobersiyal ang Senate Bill No 1979 o ang panukalang Prevention of Adolescent Pregnancy Act.

Una nang ipinahayag ni Pangulong Marcos na gagamitin ang kanyang veto power laban sa panukala dahil sa mga hindi umano katanggap-tanggap na mga probisyon nito.

Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA), dumarami ang bilang ng mga batang maagang nagbubuntis.

Sa datos ng PSA, ang mga menor de edad na nabubuntis ngayon ay nasa 10 hanggang 14 na taong gulang. Tumaas umano ang bilang ng teenage pregnancy ng 6.6 porsiyento na mula sa 2,411 noong 2019 ay umakyat sa 3,343 noong 2023.

Dagdag pa ng PSA na 38 batang ina na wala pang 15 taong gulang ay nakaranas ng multiple pregnancy noong 2023. Nasa 17 batang ina naman na wala pang 20-anyos ang nanganak ng limang beses o higit pa. (PNA).

The post PBBM tututukan lumolobong problema ng teenage pregnancy sa `Pinas – Malacañang first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments