Bagong DOTr Sec Dizon, walang sinabi tungkol sa bikelanes

Sa panahon ng Covid-19 pandemic, kinilala ang bisikleta bilang isang mahalagang anyo ng transportasyon, di lang para sa mga obrero kundi para sa lahat ng Filipino.

Nagresulta ang pagkilala sa paglalatag ng gobyerno ng maraming bikelanes sa Metro Manila, Metro Davao, Metro Cebu at ibang urban centers. Mula noong 2020, nakapaglatag na ang pamahalaan ng mahigit 800 kilometro ng bikelanes sa buong bansa.

Isinama rin ang paglalatag ng bikelanes sa National Transport Policy at Philippine Development Plan 2023–2028.

Sa ginawang 2024 Bicycle Count ng Mobility Awards, maitala ang 271,555 na gumagamit ng bisikleta sa 138 lokasyon ng 18 bayant at siyudad. Dahil sa lumalaking bilang ng nagbibisikleta, mas lalong kailangan ng ligtas at protektadong bikelanes sa lahat ng rehiyon ng bansa.

Nakakatulong sa kalusugan ang pagbibisikleta. Kapag malusog ang mamamayan, siguradong mababawasan ang gastos ng bansa sa health care.

Nakakabawas rin ang bisikleta sa pagdami ng greenhouse gases na nagdudulot ng global warming; hindi kasi nagsusunog ng gasolina ang mga siklista.

Dahil sa bisikleta, nababawasan rin ang bilang ng mga umaasa sa public transport na alam natin ay kulang na kulang.

Upang dumami pa ang gagamit ng bisikleta, kailangan gumawa ang gobyerno ng mga bicycle infrastructure para maaakit ang mas malaking bilang.

Noong 2020, inilabas ng DPWH ang DO No. 88 kung saan nakadetalye ang standards ng mga bikelanes at infrastructures. Base sa DO88, may tatlong klase ng bikelanes, depende sa lagay ng kalsada kung saan ilalatag.

o Class 1 Separated Lane: Nakahiwalay sa mga daanan ng sasakyan at pedestrian. Inilalagay sa mga kalsadang higit 50kph ang takbo ng mga sasakyan. Dahil hiwalay ang mga siklista, ligtas sila sa posibleng banggaan.
o Class 2 Protected Lane: Nakahiwalay sa mga motorista sa pamamagitan ng bollard, cones at ibang pang-harang. Inilalagay sa mga kalsadang nasa pagitan ng 40-50kph ang bilis ng mga sasakyan.
o Class 3 Shared Roadway: Naka-marka lang na para sa bisikleta pero kasalamuha ang ibang motorista. Puede ito sa mga kalsadang hindi lalagpas sa 40kph ang takbo ng mga sasakyan.
Sa huling ulat ng Active Transport Project Office, nakapaglatag na ang pamahalaan ng 812 kilometero ng bikelanes sa Metro Manila, Ilocos, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, at Davao Region. Ngayong 2025, may planongmagdagdag ng 260 kilometro pa, tungo sa target na 2,400 kilometro ng bikelanes sa 2028.

Suportado ng local cycling community ang mga programa ng gobyerno para sa siklista. Kapag nagsasagawa ng tigil-pasada ang mga jeepney, nandiyan ang bisikleta bilang alternatibo. Kapag may kalamidad, maaasahan ang bisikleta bilang transportasyon.

Pero sa kabila nito, may rekomendasyon si DILG Sec Jonvic Remulla na buksan ang bikelanes sa EDSA at ipagamit sa motorista, partikular sa motorsiklo. Yung pinagtiyagaan ng DOTr mula noong 2020, gustong buwagin ni Sec Remulla ang bikelanes para sa motorista. At mukhang suportado ng MMDA ang ideya.

Ngayon na wala na si Sec Jaime Bautista, nanganganib ang hinaharap ng mga bikelanes. Hindi na-ungkat ang bikelanes sa unang presscon ni bagong DOTr Sec Dizon noong Biyernes. Ano kaya ang posisyon ni Sec Dizon sa mga bikelanes, at sa programa ng active transport?

The post Bagong DOTr Sec Dizon, walang sinabi tungkol sa bikelanes first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments