Piso kada 5 lamok ilalarga kontra dengue

Nakatakdang magsimula sa darating na Miyerkoles, Pebrero 19 ang programa ng Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong na ‘May Piso sa Mosquito’.

Ito ang inihayag ng kapitan ng Barangay na si Carlito Cernal kasunod ng tumataas na kaso ng dengue sa Metro Manila.

Nauna nang naibalita ang inisyatibong ito kamakailan kung saan umani ito ng samu’t saring reaksiyon sa social media na siya naman ding pinanindigan ng kapitan.

Ayon kay Cernal, ang nasabing programa ay isa lamang alternatibo sa pagsugpo ng dengue kung saan pansamantala rin itong ititigil kapag bumaba na ang kaso ng sakit ayon sa datos ng kanilang city health.

Kaya wala aniyang dahilan upang mag-breed ng lamok, bagay na pinangangam¬bahan ng ilang mga residente nito.

Ayon sa kapitan, sa kada limang piraso ng lamok katumbas ito ng piso, patay man ito, buhay o maski pa ang kitikiti. Tatagal naman ang programa ng tatlong buwan o mas mababa pa depende sa lagay ng kaso ng dengue sa kanilang barangay. (Just Ignacio)

The post Piso kada 5 lamok ilalarga kontra dengue first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments