Isang malagim na aksidente ang naganap sa may rotunda ng Palico – Nasugbu Highway sakop ng Barangay Luntal, Tuy, Batangas kahapon ng alas-6:30 ng umaga.
Batay sa report ng Tuy Police, inararo ng isang dump truck na nawalan umano ng preno ang 8 sasakyan bago ito tumagilid sa harap ng isang convenience store.
Una nitong nasalpok ang isang bus na nasa gitna ng kalsada bago inararo ang iba pang sasakyan.
Nadaganan pa ng truck na kargado ng lupa ang isang kotse.
Nahagip din nito ang tatlong MPV, dalawang motorsiklo at isang tricycle na nasa lugar.
Sa inisyal na report, kabilang sa 14 nasugatan ang driver ng truck at ang 11 pasahero ng bus.
Masuwerte namang walang mga sakay ang mga nakaparadang sasakyan na binangga nito sa harap ng convenience store na nawasak din ang harapang bahagi.
Itinakbo na ang mga sugatan sa ibat-ibang ospital.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa aksidente at inaalam pa ang kabuuang bilang ng nasugatan. (Ronilo Dagos)
The post 8 sasakyan inararo ng dump truck first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments