Ai Ai delas Alas ayaw na sa bagets

Aminado si Ai Ai delas Alas na nasa recovery stage na siya pagkatapos ng kanilang naging hiwalayan ng ex na si Gerald Sibayan.

Sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya sa vlog ng BFF na si BB Gandanghari, idinetalye niya ang puno’t-dulo ng kanilang hiwalayan.

Ayon kay Ai-Ai, ang dahilan na ibinigay ni Gerald sa pakikipagkalas ay ang kagustuhan nitong magkaanak at ang pagkawala ng kasiyahan sa kanilang pagsasama.

Itinuwid naman niya ang impresyon ng publiko na tanga siya pagdating sa pag-ibig dahil nauuwi sa hiwalayan ang kanyang pakikipagrelasyon.

“Hindi ako tanga. Nagkataon lang na napupunta ako sa hindi tamang tao para sa akin,” pahayag niya.

“Kung tanga ako, hindi kami aabot ng sampung taon. Nagkataon lang siguro na hanggang doon lang at meron pala siyang ibang agenda, o meron pala siyang iba na nagustuhan, o may iba pala siyang gusto sa akin, ” dugtong niya.

Nang usisain naman kung itinuturing ba niyang isang maling desisyon ang pagpapakasal kay Gerald, maagang “Yes” naman ang kanyang itinugon.

“Kumbaga, una, pinanindigan ko na lang, and parang gusto kong ipakita sa buong mundo na age doesn’t matter. But it matters,” esplika niya.

Matapos ang masakit na hiwalayan, bukas pa rin daw ang komedyana sa posibilidad ng isang bagong pag-ibig ngunit nais niyang makahanap ng isang lalaking mas malapit sa kanyang edad.

“Kahit siguro hindi older, pero siguro hindi ganoon kalaki ang gap. Siguro ten years is okay,” aniya.

Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan, nananatili namang buo ang loob ni Ai-Ai na bumangon mula sa dinanas na sakit at ipagpatuloy ang kanyang buhay nang may mas positibong pananaw sa hinaharap. (Archie Liao)

The post Ai Ai delas Alas ayaw na sa bagets first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments