Dedo ang isang dating barangay chairman matapos maaksidente sa sinasakyang motorsiklo sa Brgy. Tigbauan Road, Cabatuan, Iloilo, Martes ng tanghali, March 4, 2025.
Nakilala ang biktima na si Joel Ontanillas, 66 taong gulang, nakatira sa nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng Cabatuan PNP, sakay sa kanyang motorsiklo ang biktima at papunta sana sa bayan ng Janiuay, Iloilo, pero nakasalubong nito at nabangga ang motorsiklo na minamaneho ni Police Lieutenant Francis Carona, 40-anyos.
Sa lakas ng banggaan ay tumilapon ang dalawang rider sa kalsada.
Mabilis namang rumesponde ang mga rescuers at agad na dinala sa ospital ang dalawa.
Makalipas ang ilang oras ay nasawi si Ontanillas matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo habang ligtas naman si Carona at patuloy na ginagamot sanhi ng tinamong bali sa kaliwang braso.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Cabatuan PNP sa nangyaring insidente. (Joven Escaniel)
The post Ex-barangay chairman sumalpok sa rider na pulis, tigok first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments