Ilang opisyal ng PNP pumalag sa isyung rescue ops sa Chinese student

Pinalagan ng ilang opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang sinasabing pagkakasagip ng Anti-Kidnapping Group (AKG) sa kaso ng 14-anyos na estudyanteng Chinese mula sa British School Manila.

Kaugnay na rin ito sa umano’y bersyon ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa rescue operation.

Ayon sa ilang opisyal ng PNP, wala umanong rescue na naganap kundi ang bata ay natagpuan at narekober ng pulisya sa mismong bahay nila, at ito anila ay kanilang itutuwid sa harap ng Senado at ng publiko sa isasagawang pagdinig.

Lumakas ang posibilidad na sablay ang isyung rescue ops matapos ipag-utos ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco D. Marbil na i-relieve si AKG Head Col. Elmer Ragay na sasailalim sa internal investigation.

Si Ragay, kasama sina PNP Deputy Chied for Administration Jose Melencio Nartatez, NCRPO director, BGen. Anthony Aberin at iba pang matataas na opisyal ay laman ng mga viral videos kung saan makikitang nagpunta sila sa bahay ng biktima.

Binigyang-diin ni Gen. Marbil na ang relief ni Col. Ragay ay simula pa lamang ng mas malalim na imbestigasyon upang tiyakin ang integridad ng PNP.

The post Ilang opisyal ng PNP pumalag sa isyung rescue ops sa Chinese student first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments