`Akyat-Bahay’ naispatan, may-ari tinarakan

Matagumpay na nahuli ng Pampanga Police Provincial Office, ang isang suspek na may kasong Robbery at Frustrated Homicide sa isinagawang follow-up operation sa Sitio Lambingan, Barangay Dampe, Floridablanca, Pampanga kamakalawa.

Ang 44-anyos na suspek na construction worker ay nakapasok sa tirahan ng mga biktima, na kinilalang si Marivic Emgle y Malit, 50 taong gulang, Treasurer ng Seventh Day Adventist Church, at kanyang anak na si Joyce Anne Glee y Malit, 20, isang estudyante.

Pinasok umano ng suspek noong February 28, 2025 ang bahay mula sa kisame at tinangay ang isang shoulder bag na naglalaman ng mahigit kumulang P10,000.00 cash, na bahagi ng koleksyon ng simbahan at isang cellular phone.

Sa insidente, nagising ang isa sa mga biktima at nagtangkang manlaban dahilan para saksakin siya ng suspek ng ilang beses gamit ang gunting.

Agad namang rumesponde ang mga nagpapatrolyang tauhan ng Floridablanca Municipal Police Station sa pamumuno ni PCol Jay C Dimaandal, provincial director, na nagsasagawa ng routine patrol sa lugar base sa ulat na ginawa ng mga biktima at mga opisyal ng barangay.

Narekober din sa follow-up operation ang mga ninakaw.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang suspek, habang inihahanda ang mga kasong isasampa sa kanya. (Johnny Reblando)

The post `Akyat-Bahay’ naispatan, may-ari tinarakan first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments