Khalil Ramos target ni Bianca Gonzalez

May kanya-kanyang bet din ang mga hosts ng “Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition” kung sino ang celebrities mula na gusto nilang pumasok bilang housemate sa Bahay ni Kuya.

Sa grand mediacon ng naturang reality show na ginanap last Saturday sa Dolphy Theater ay natanong ang mga hosts kung sakaling bibigyan sila ng special power ni Big Brother na pumili, sino ang celebrity na gusto nilang papasukin sa PBB house.

Sinimulan ni Robi ang sagot at si Alden Richards ang kanyang bet.

“I’ll go with Alden para hello, love, again,” sey ng TV host.

Sabi naman ni Melai, “gusto ko si Momshie Jols, Momshie Jolina Magdangal (ng) Star Magic because that would be fun, para magkaroon naman momshie doon sa loob na paano niya iha-handle ang ating mga celebrities.”

Ayon naman kay Alexa, ang pangarap daw niya talagang mapanood sa PBB house ay si Rufa Mae Quinto. Tiyak daw na panoorin niya ito at gusto niyang makitang magsabi ng “go, go, go!” ang sexy comedienne sa bahay ni Kuya.

Ang type naman ni Bianca na pumasok ay si Khalil Ramos na boyfriend ng isa sa hosts na si Gabbi. Mukhang masaya raw na makita ang dalawa sa PBB bilang host and housemate.

Natawa naman si Gabbi sa sinabi ni Bianca.

‘Hoy, Khalil, babantayan kita kapag pumasok ka,” sabi ni Gabbi.

Sey naman ni Bianca, “ibang Kahlil ang makikita sa loob ng bahay, what more ang makikilala ni Gabbi about Khalil. Wishful thinking lang.”

Ang sagot naman ni Mavy ay ang kanyang twin sister na si Cassy Legaspi.

“Gusto kong makita ‘yung kapatid ko sa loob ng Bahay ni Kuya and asarin ko siya from the outside. Hindi, joke lang,” natatawang sey ni Mavy.

Ang sagot naman ni Gabbi ay si Mavy. “Ngayon na, opening night natin ipasok si Mavy.”

Sa ngayon ay hindi pa ina-announce kung sino-sino ba talaga ang celebrities na pasok sa “PBB Celebrity Collab Edition” .
As we all know, ang PBB ay orihinal nating napapanood sa ABS-CBN pero ngayon ay sanib-pwersa na sila ng GMA-7 na dati ay sa panaginip lang na pwedeng mangyari.

The post Khalil Ramos target ni Bianca Gonzalez first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments