DENR pinukpok sa mga mining permit na hindi nagagamit

Nais ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ikansela at bawiin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga mining exploration permit na nananatiling hindi pa rin nagagamit sa kasalukuyan.

Ayon kay Escudero, ang pagkabigo ng mga mining firm na gamitin ang exploration permit ay sumusuway sa layunin ng Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995, na naglalayong isulong at gamitin ang mga yamang mineral para makatulong sa pag-unlad ng bansa.

“Kung hindi ka tumupad sa napagkasunduan na dapat gawin sa loob ng takdang panahon, dapat tanggalin o kanselahin na ang exploration permit o `yung MPSA (mineral production sharing agreement)—sino ka man, ano man pangalan o apelyido mo o kompanyang kinabibilangan mo,” sabi ni Escudero.

“Hindi kayang mag-explore, hindi niya kayang i-process ang minerals, bitawan niya o bawiin sa kanya ng gobyerno, at ang panukala ko i-bid out ng gobyerno (ang permits) para kumita pa,” dagdag pa niya sa isang press conference.

Nauna rito, naghain si Escudero ng Senate Resolution No. 1310 para imbestigahan ang maraming bilang ng mga inactive, non-operational, invalid at hindi nagagamit ng exploration permits at mineral agreements taliwas sa polisiya ng Philippine Mining Act of 1995.

“Nag-apply, tinatrato bilang pribadong pagmamay-ari nila, uupuan lang, hihintayin tumaas, ibebenta sa kung sino talaga interesado pagdating ng 10, 20 taon. Hindi nila pribadong pagmamay-ari ‘yan. That is owned by the State,” ani Escudero.

Nanghihinayang ang senador dahil hindi napapakinabangan ng bansa ang kayamanan para makamit ang buong potensiyal ng paglago nito sa kabila ng pagiging ikalima nito pagdating sa global mineral reserves at pangalawa sa pinakamalaking producer ng nickel ore. (Dindo Matining)

The post DENR pinukpok sa mga mining permit na hindi nagagamit first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments