Nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Lito Lapid sa pagiging bias sa mga tulad niyang showbiz personalities na pumapasok sa politika.
“Kapag ang mga artistang tulad natin ay pumasok sa politika, para tayong mga lason. Ayaw tayo ng mga tao. Ngunit kapag ang mga propesyonal, abogado at mayayamang indibiduwal ay pumasok sa politika, ito ay parang pagkain para sa kanila,” saad ni Lapid sa isang media conference sa Palo, Leyte.
Inamin din ni Lapid na nasasaktan siya sa pagmamaliit sa kanya.
“May feelings din kami. Nasasaktan din tayo,” wika niya.
Sa kabila nito, ibinida ni Lapid ang kanyang mga nagawang batas.
Aniya, mula nang maging senador siya noong 2004, mahigit 900 panukala na ang naihain niya, at nasa 100 sa mga ito ang naging batas.
Kabilang sa mga batas na kanyang inakda ang Meat Labeling Act of 2011, Comprehensive Unilateral Hearing Loss Research and Development and Rehabilitation Act, Urban Agriculture and Vertical Farming Act, Corporate Social Responsibility Act, Kindergarten Education Act, Adopt-A-Wildlife Species Act at ang Free Legal Assistance Act of 2010. (Issa Santiago)
The post Lito Lapid nasasaktan sa mga basher, ibinida 100 batas na ipinasa sa Senado first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments