Mga online seller inalarma sa toxic cosmetic products na kargado ng mercury

Hindi madaling matukoy kung may mercury ang bibilhing cosmetic products dahil hindi lahat ng produkto ay nilalagyan ng label ng mga manufacturing company.

Ito ang inihayag ni Thony Dizon, campaigner ng Toxic Ban Advocacy, sa panayam sa kanya ng DWAR Abante Radyo.

Aniya, mahirap malaman kung mayroong toxic chemical na mercury o wala ang isang produkto.

Dagdag pa ni Dizon, ilan sa mga binabantayan nila ngayon ay ang mga produktong ibinebenta sa mga online shopping platform.

May mga seller aniya na hindi alam na mayroong chemical content na pala ang mga cosmetic product na inaalok nila sa mga kustomer.

Aniya pa, hindi madadaan sa paghuhugas lamang ng tubig ang parte ng katawan o mukha na nilagyan ng produktong may kemikal.

Kapag kasi sa oras na dumampi ito sa balat ng tao ay hindi na ito basta-basta mawawala, ayon kay Dizon.

The post Mga online seller inalarma sa toxic cosmetic products na kargado ng mercury first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments