Bangkay bumulaga sa damuhan

Nagsasagawa ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya hinggil sa natagpuang bangkay ng isang lalaki sa madamong lugar sa gilid ng kalsada sa Tagaytay City, Lunes ng umaga.

Inilarawan ng mga awtoridad ang biktima na isang lalaki, nakasuot ng kulay itim na t-shirt na may print na Calvin Klein, kulay blue na short, walang suot na sapatos o tsinelas at may sugat sa ulo.

Ayon sa nakasaksi na isang siklista, tumigil ito sa kahabaan ng Tagaytay-Mendez Road, Brgy Patutong Malaki North Tagaytay City Cavite upang magpahinga nang mapansin nito ang bangkay ng biktima bandang alas-7:20 kahapon ng umaga.

Nagsasagawa ngayon ng backtracking sa CCTV sa lugar ang pulisya upang makakalap ng ebidensiya hinggil sa pagkamatay ng biktima na may sugat sa ulo at kung sino ang mga salarin. (Gene Adsuara)

The post Bangkay bumulaga sa damuhan first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments