Tita kinadyot pamangkin sa selos

Isang babaeng manager ng bar ang mabilis na isinugod sa ospital matapos saksakin ng kanyang tiya sa loob ng kanyang pinamamahalaan na establisyemento sa Brgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna, nitong Linggo ng gabi.

Ayon sa ulat ng San Pablo City Police, nagselos ang suspek sa biktima matapos nitong malaman at personal na marinig na niyaya ng kanyang pamangkin ang kinakasama ng tiya na umalis at magtungo sila sa di tinukoy na lugar.

Napag-alaman na uminom muna ang tiya sa loob ng 99 Bottles Bar kung saan manager ang biktima at nang makatiyempo, dakong alas-11:00 ng gabi ay sinundan nito ang pamangkin nang magtungo ito sa loob ng CR at doon sinaksak.

Narinig naman ng mga kaanak ng biktima na sumigaw ito at humingi ng tulong at nang puntahan ay nabungaran na lang ang biktima na nakahandusay na sahig at may mga tama ng saksak.

Agad naman itong sinaklolohan at isinugod sa San Pablo City District Hospital kung saan nakaratay ito sa kasalukuyan.

Mabilis na naaresto ng mga awtoridad ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong bigong pagpaslang. (Ronilo Dagos)

The post Tita kinadyot pamangkin sa selos first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments