Pusa pinatay sa palo, trabahador tiklo

Inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District – Smokey Mountain Police Community Precinct ang isang 31-anyos na construction worker matapos ireklamo ng may-ari ng pusa na kanyang pinagpapalo ng stick at napatay, kamakailan sa Tondo, Maynila.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa RA 8485 o The Animal Welfare Act of 1998 as amended by R.A. 10631, ang suspek na si Marvin Arasa alyas Marvin, naninirahan sa 2460 Malaya Street Brgy. 125 Tondo, Maynila.

Ang pag-aresto kay Arasa ay nag-ugat sa reklamo ni Tirzah Lim, Presidente ng Humane Philippines (Animal Welfare Organization), 43, at may Office address sa D13 Unit GS4-02V 2/F Gems Plaza Building, Circumferential Road, Dalig City of Antipolo, Rizal; at Gemma Escultura, 26, may-ari ng pusa at taga-2460 Malaya Street Brgy. 125 Tondo, Maynila.

Nabatid na noong Abril 3, 2025, ganap na alas-2:00 ng madaling araw nang paghahatawin ng stick ng suspek ang pusa ni Escultura na nagresulta sa pagkamatay ng alaga nito.

Kaagad nagreklamo ang biktima sa kinauukulan kaya naaresto ang suspek at sinampahan ng kaso sa Manila Prosecutors Office. (Juliet de Loza-Cudia)

The post Pusa pinatay sa palo, trabahador tiklo first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments