Nasa isang milyong pisong halaga ng mga alahas ang natangay ng isang bebot na solong nangholdap sa isang jewelry store sa Public Market ng Bgy. Alfonso XIII, Quezon Palawan, kahapon ng hapon.
Ang biktima ay ang negosyante na si alyas Nora, 64 taong gulang, may-ari ng jewelry store, at ang kanyang sales lady na si alyas Marian, 53-anyos, may-asawa, kapwa residente ng Bgy. Alfonso XIII, Quezon Palawan.
Inilarawan naman ang nakatakas na babaeng suspek na nasa 40-anyos, blonde hair, kayumanggi, nasa 5’2 hanggang 5’3 ang taas, nakasuot ng puting long-sleeve, naka-black pants, nakasumbrero at may bitbit na pulang eco bag kung saan niya inilagay ang nakulimbat na mga alahas.
Base sa imbestigasyon, pumasok ang suspek sa tindahan at tinutukan ng kutsilyo ang bantay bago inutusan ang tindera na ilagay sa kanyang eco bag ang box ng mga alahas.
Matapos makulimbat ang target, agad nang tumakas ang suspek na tinutugis ngayon ng PNP Quezon Palawan. (Romy Luzares)
The post Bebot solong hinoldap tindahan ng alahas first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments