Ipinagpatuloy nina Mavis Espedido at Lisa Sarines ang pambihirang ratsada, winalis ang ikalawang leg ng ICTSI Junior Philippine Golf Tour Luzon Series sa Sherwood Hills Golf Club sa Trece Martires, Cavite nitong Miyerkoles sa magkaiba pero sa parehong kahanga-hangang paraan.
Ungos si Espedido kay Venus Delos Santos ng isang stroke sa maintensidad na pinale ng girls’ 7-10 division sa itinalang 77 para sa kabuuang 153.
Tumipa si Delos Santos ng 75-154, at muntik makapuwersa ng playoff sa pamamagitan ng birdie sa ika-18 butas. Tumersera si Winter Serapio at pumang-apat si Penelope Sy sa pinosteng 85 (173) at 88 (178), ayon sa pagkakasunod, sa harapan ng bahagyang bugso ng hangin at nakakapagod na init na nagdagdag ng panibagong patong ng hamon sa araw.
Tampok sa round ni Espedido, nangibabaw sa unang leg sa Eagle Ridge ng 14 na shot, ang limang birdie, kabilang ang mga chip-in at pinaghalong long at short putts.
Ang back-to-back niyang panalo ang nagpatibay sa kanyang pangunguna sa karera para sa Luzon team slot sa North vs. South Finals, kung saan ang mga mangungunang finisher mula sa rehiyon ang haharap sa kanilang mga counterpart sa VisMin.
“Nanatiling nakatutok ako upang makakuha ng isang magandang marka at muling manguna,” lahad ni Espedido, na ipinagkatiwala ang panalo sa Panginoon, sa kanyang pamilya, at coach. Nakatutok na siya ngayon sa isang three-peat sa Splendido Taal sa susunod na linggo.
Sa girls’ 11-14 category, hiniwalayan ni Lisa ang kakambal na kapatid na si Mona pagkatapos ng frontside 37 at isang string ng pars sa back-nine para isalpak ang 73, na pinaulanan ng pitch-in birdie sa No. 9, at nanalo ng tatlong palo sa 150 total. Nagtala si Mona ng 76 para sa 153, habang pumangatlo si Keira Que sa 170.
“Mahirap ang pitch-in na iyon sa No. 9, pero nagbigay ito sa akin ng momentum na kailangan ko,” bigkas ni Lisa. “Hinding-hindi ako mapapagod na manalo, pero alam kong kailangan kong manatiling mapagpakumbaba.”
Sa pagmumuni-muni sa kanyang double bogey na simula, idinagdag niya: “Huwag mawalan ng pag-asa…patuloy akong lumaban at binago ang mga bagay-bagay.”
Lumagak si Que sa malayong ikatlo sa 170 pagkatapos ng 85, kasunod sina Kendra Garingalao (86–173) at Althea Bañez (88–177).
Sa boys’ 11-14 division, nagsagawa ng back-nine rally si Vito Sarines para agawin ang titulo kay Ryuji Suzuki, na nagpaputok ng 71 para sa 147 – limang stroke ang layo kay Suzuki.
Makalipas mahuli ng dalawa nang maaga, tumugon si Vito gamit ang isang eagle sa par-5 sa ika-12, tinatakan ang panalo sa pamamagitan ng isang birdie sa No. 15 at tatlong panapos na par.
“Nakaramdam ako ng kaunting pressure, pero alam kong kailangan kong manatiling kalmado at nakatutok para makamit ang panibagong panalo,” namutawi kay Vito, na may highlight sa balik ng isang kagila-gilalas na eagle sa par-5 12th – kung saan nag-pitch siya mula sa 20 yarda, at inilapag ang bola limang yarda mula sa palawit bago ito perpektong gumulong sa cup.
“Nagsumikap ako para sa panalong ito. Gusto ko talagang bumawi at tubusin ang sarili ko pagkatapos makipaglaban sa Eagle Ridge,” dagdag niya.
Si Jacob Casuga ang pumangatlo sa 169 kasunod ng 85, habang si Ryuichi Tao na may 90 pumuwesto sa ikaapat sa 176, at sina Matthias Espina at Cade Santos mga nagsalo sa ikalimang puwesto sa 180 sa huling mga pinalong tig-91.
Si Zoji Edoc, sa kabilang banda, sumakay sa isang mahusay na 16-shot win sa boys’ 7-10 category, na nagtagumpay sa huling round 91 para sa 172, kasama ang pambungad na 81. Ang panalo ang nagmarka ng malakas na pagbabalik niya, bumawi sa one-stroke na talo sa liban ditong si Zachj Guico na namayagpag sa Eagle Ridge.
Nagtala si Halo Pangilinan ng 90 upang tapusin ang malayong pangalawa sa 188, habang sina Michael Ray Hortel II (95), Harvey Hernandez (100), at Alexian Ching (106) ang mga pasok top five na may mga 195, 207 at 208 aggregate, ayon sa pagkakasunod.
“Gusto ko talagang manalo ngayong linggo, lalo na pagkatapos ng aking pag-urong sa Eagle Ridge,” dakdak ni Edoc, na nagpahayag ng pasasalamat sa kanyang coach at pamilya sa walang tigil na mga suporta.
Naging madrama ang wakas ng boys’ 15-18 division sa pagtabla nina Patrick Tambalque at Zach Villaroman makalipas ang back-to-back rounds 76s at 74s para sa 150. Ang kanilang magkatugmang mga marka ang nagtakda ng final-round showdown – pero hindi ito magiging karera ng dalawang tao.
Si John Paul Agustin Jr. ay nakipagtalo sa isang clutch eagle sa par-5 15th, tungo sa tournament-best 72 para sa 151, isang shot na huli, tumiyak sa pukpukang pinaleng yugto ng 54-hole event na inoorganisa ng Pilipinas Golf Tournaments, Inc.
Maagang kinontrol ni Tambalque ang frontside na 34 pero natisod sa likod na siyam, kabilang ang double bogey sa No. 10 at isang closing bogey para sa 40.
Nag-birdie naman si Villaroman ng dalawa sa unang tatlong butas sa likod na siyam upang tumabla sa pangunguna, pero nabigo ng apat na bogey sa kanyang huling anim na butas, pa-36-38.
Si Agustin, na nagsimula sa araw ng tatlong stroke sa likod, ang unang nawalan ng takbo pagkatapos ng 37 sa harap at isa pang bogey sa No. 11. Pero ang kanyang eagle sa ika-15 ang nagbigay ng bagong buhay sa kanyang kampanya, banta pa siya sa huling round.
“Hindi ako tutuon sa kung sino ang nauuna o kung ano ang kailangan kong abutin,” ani Tambalque. “Laruin ko lang ang laro ko para mabawasan ang pressure.”
Sa girls’ 15-18 category, lumapit si Rafa Anciano sa redemption pagkabagsak sa Eagle Ridge, sa sinalpak na 79 para kumuha ng five-shot lead sa 176.
Si Levonne Talion, ang kanyang karibal mula sa dramatikong huling round na iyon dalawang linggo na ang nakakaraan, naka-85 pa-181. (Ramil Cruz)
The post Mavis Espedido, Lisa Sarines ratsada sa ICTSI Junior PGT first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments