PBBM, US President Donald Trump tsika sa libing kay Pope Francis

Nagkaroon ng pagkakataon sina Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr. at United States President Donald Trump na magtsika kahit sa kaunting sandali lamang habang dumadalo sa libing kay Pope Francis.

Kasama ng Pangulo ang Unang Ginang Liza Marcos na nagtungo sa Vatican para sa papal funeral kay Pope Francis. Dumalo rin ang iba pang world leaders, maging ang mga royal family at pilgrims na nakiramay sa pagpanaw ng tinaguriang `People’s Pope.

Sa sidelines ng papal funeral, nakadaupang-palad ni Pangulong Marcos ang ilan sa mga world leader.

Sa isang larawan na pinost ng Presidential Communications Office (PCO), nakita sina Marcos at Trump na nagkamayan at nag-chat. Sa isa pang larawan, nagbatian naman sina Marcos at dating US President Joe Biden na dumalo rin sa papal funeral kasama ang kanyang asawa.

Samantala, sa isang pahayag sa kanyang social media page, sinabi ni Pangulong Marcos na ang kanyang pagdalo sa libing ni Pope Francis sa Vatican ay bilang pakikiramay at pasasalamat ng bawat Pilipino.

“Dumalo ako sa libing ni Pope Francis bilang pagtanaw ng taos-pusong paggalang — mula sa isang bayang matatag sa pananampalataya, para sa isang Santo Papa na humaplos sa puso ng milyon-milyon,” sabi ng Pangulo.

“Nakiisa ako, hindi lang bilang Pangulo, kundi bilang isang Pilipino — dala ang dasal at pag-asa ng bawat kababayan nating nais sanang makadalo at makapagpasalamat,” aniya pa. “Isang taos-pusong pagpupugay mula sa sambayanang Pilipino para sa isang Santo Papa na kumalinga at nagbigay-tinig sa mga hindi napapakinggan.”

The post PBBM, US President Donald Trump tsika sa libing kay Pope Francis first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments