PCO hinigpitan coverage kay PBBM: MalacaƱang choosy sa mga reporter

Inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) ang paghihigpit nito sa mga mamamahayag na pinapayagang mag-cover sa mga aktibidad ni Pangulong Ferdinand `Bongbong’ Marcos Jr.

Epektibo kaagad ang bagong polisiya na nagbigay ng malawak na kapangyarihan sa PCO para pahintulutan o tanggihan ang media accreditation, kabilang na ang mga tinatawag na ā€œfalse reportingā€.

Nilagdaan ni PCO Assistant Secretary for Media Accreditation and Relations Dale De Vera, dating TV5 reporter, ang memorandum kung saan nakasaad ang mga bagong alituntunin. Tinawag pa nito ang MalacaƱang bilang ā€œthe most prestigious beatā€ na kinakailangang ā€œonly the best among the bestā€ lamang ng mga beteranong mamamahayag.

Magkakaroon din ng reorganisasyon sa Media Accreditation and Relations Office (MARO).

ā€œTo uphold the highest standards of journalistic integrity, professionalism, and security, the MARO shall be reorganized to enforce stricter accreditation guidelines and a more rigorous vetting process,ā€ nakasaad sa memo.

Sa ilalim ng mga bagong alituntunin, ikokonsidera lamang sa akreditasyon ang mga mamamahayag mula sa mga matatagal nang media organization. Ang isang aplikante ay kailangan na may limang taong karanasan sa pag-cover ng politika o gobyerno, o kahit isang taon sa kanyang current employer, at dapat magpakita ng kanyang portfolio ng ā€œethical and responsible reporting.ā€

Hihimayin din ang background ng mga aplikante sa mga media executive, at sisilipin din ang mga dati nilang ginawa para makita kung sumusunod sa journalistic standards na itinakda ng PCO.

Mayroong tatlong klase ng akreditasyon para sa mga mamamahayag: full access para sa araw-araw na MalacaƱang overage, event-based passes para sa mga partikular na aktibidad, at special accreditation na ibibigay ng case-by-case basis para sa mga foreign correspondent.

Kailangang isumite ang aplikasyon sa pagitan ng Abril 29 at Mayo 2, 2025 at ilalabas naman ang resulta ng akreditasyon sa pagitan ng Mayo 12 at Mayo 16, o pagkatapos ng midterm elections.

Maaari rin umanong bawiin kaagad ang akreditasyon para sa mga paglabag gaya ng misconduct, security violations, falsification o misrepresentation of documents, o mga insidente na nagkaroon ng ā€œfalse reporting.ā€

The post PCO hinigpitan coverage kay PBBM: MalacaƱang choosy sa mga reporter first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments