Umabot na sa P16.6 trilyon ang utang ng pamahalaan ng Pilipinas hanggang noong katapusan ng Pebrero 2025, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Kung paghahati-hatian ang utang sa 115 milyong Pinoy, sanggol man o matanda, tig-P144,626 ang bawat isa, higit pa sa anim na buwang suweldo ng isang minimum wage earner.
Simula nang umupo si Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa Malacañang, P3.84 trilyon na ang nadagdag sa utang ng pamahalaan. Noong katapusan ng Hunyo, bago siya nanilbihan bilang presidente ng bansa, nasa P12.79 trilyon pa lamang ang utang ng pamahalaan.
Simula nang nag-umpisa ang taon, halos kalahating trilyong piso na ang idinagdag sa utang. Noong katapusan ng Disyembre 2024, P16.05 trilyon ang utang ng pamahalaan.
Panay ang utang ng pamahalaan dahil hindi sapat ang kinokoleta nitong mga buwis at iba pang fees and charges para matustusan ang lahat ng mga gastusin.
Karamihan dito ay inutang sa loob ng bansa.
Ayon sa BTr, P11.22 trilyon ang inutang ng pamahalaan mula sa mga bangko, insurance companies at local investors sa pamamagitan ng pag-isyu ng tinatawag na treasury bills and bonds. Nasa P5.4 trilyon naman ang inutang sa labas ng bansa o sa mga dayuhan. (Eileen Mencias)
The post `Pinas lumobo pa utang sa P16.6 trilyon first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments