Masakit sa bangs ang mga pangyayari ngayon sa loob ng PDP-Laban pagdating sa isyu ng pag-eendorso ng mga kandidato.
Una ay ang mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte. Sila mismo ay hindi nagkakaisa sa kanilang sinusuportahang kandidato.
Hindi tuloy mila masisisi ang mga kalaban at mga observer na magkomentong maihahalintulad sa isang headless chicken ang oposisyon. May kanya-kanyang galawan.
Iba ang sinasabi at ginagawa ni Digong at iba rin ang ginagawa ni Sara.
Tuloy ang mga nasa ibaba ay naguguluhan din dahil hindi nila maintindihan kung sino ang tunay na nasusunod: si Digong ba o si Sara? At dahil walang iisang line-up ang mga lider ng oposisyon, nawawalan tuloy ng bigat ang kanilang mga dinadalang kandidato. Apektado ang mga personalidad na kanilang ineendorso.
Halimbawa sa kaguluhang ito ay ang pag-endorso ni Sara kina Sen. Imee Marcos at Deputy Speaker Camille Villar. Mukhang tuloy pa rin sa kangkungan sina Imee at Camille kahit inendorso ni Sara. Hindi nakatulong sa kanilang kandidatura si Sara.
Hindi man lamang umangat sa survey ang dalawa lalo na si Imee kahit nakamit nito ang matagal nang hinahabol-habol niyang endorsement ni Sara.
Sa ginagawa ni Sara, halata tuloy na namamakyaw na lamang ito ng ieendorso sa Senado sa pagbabakasakaling makakaipon siya ng sapat na bilang ng mga senador na hindi siya ilalaglag pagdating ng botohan sa impeachment court.
Ang masaklap para kay Sara ay hindi naman inaayunan ng kanyang ama ang kanyang mga desisyon.
Kahit inendorso ni Sara sina Imee at Camille, hindi pa rin sila bet ni Digong. Malinaw na para sa dating pangulo ay “Duter10” lang ang mga kandidato niya.
At tila hindi pa sapat ang mag-ama sa pagbibigay ng kaguluhan sa oposisyon dahil iba rin ang ginagawa ni Senator Robin Padilla na siyang PDP Laban president.
Inendorso ni Robin sina dating Sen. Gringo Honasan, Senate Majority Leader Francis Tolentino, at maging si Imee.
Nang makuwestyon ito ng kanyang mga kapartido ay sinabi ni Robin na personal niyang desisyon ang pag-endorso kina Gringo, Tol at Imee. Hindi naman ito katanggap-tanggap sa kanyang mga kasamahan sa PDP-Laban.
Ayon mismo sa mga abogado at PDP Laban senatorial candidates na sina Raul Lambino at Jimmy Bondoc, ang pag-eendorso ng partido ay dumadaan sa proseso kaya hindi puwedeng may isisingit na kandidato ng ibang partido.
Sa kanya-kanyang galawan nina Digong, Sara at Robin ay malinaw na nakikitang walang iisang kumpas ang liderato ng PDP-Laban.
Pero sino nga ba ang dapat manaig: Boses ni Digong, kumpas ni Sara o pag-epal ni Robin? Sa pagkakaiba-iba nila ng trip, sino ba ang dapat sundin ng mga nasa ibaba?
The post Sa endorsement ng PDP Laban, sino ang tunay na may boses? first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments