Lotlot, Ian, Matet nagpamisa sa ‘40 days’ ni Nora Aunor

Simple na idinaos ang ika-40 araw ng kamatayan ng nag-iisang “Superstar” at National Artist na si Nora Aunor sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City kaninang umaga, Mayo 25.

Nagpamisa ang magkakapatid na sina Lotlot, Ian, Matet, Kiko at Kenneth sa mismong libingan ni Ate Guy.

Nagsimula ang misa ng bandang alas-10 ng umaga sa pamumuno ni Father Vicente na galing pa ng Palawan.

Karay ni Lotlot ang tatlo niyang mga anak na sina Diego, Maxine at Jessica samantalang hindi nakadalo si Janine Gutierrez, na may trabaho ng mga sandaling iyon.

Present din ang ex ni Lotlot na si Ramon Christopher at ang current hubby nito.

Kasama ni Matet ang kanyang bunso at asawa.

Bitbit naman ni Ian ang kanyang anak at ganundin si Kenneth kasama ang anak at asawa.

Dumating ang magkasintahang sina Harlene Bautista at Federico Moreno, na anak ng yumaong si Kuya Germs o German Moreno.

Present ang mga kaibigan ni Lotlot na sina Nadia Montenegro, Shyr Valdez, pati ang film director na kaibigan ni Nora na si Adolf Alix Jr.

Nasa okasyon rin ang ilan sa piling tagahanga ni Nora.

Binasa ni Matet ang first reading na sinundan ni Ian at kasunod nito ay si Maxine.

Nagpasalamat si Lotlot sa mga nakibahagi sa pag-alala sa kanyang ina at saka nag-imbita ng isang munting lunch sa Bulwagan ng mga Bayani.

Patuloy sa pakikiramay ang mga tagahanga ni Nora, na makikita sa mga sariwang bulaklak na nakalagay sa kanyang puntod.

Nagpagawa si Lotlot ng white roses flower arrangement, na nakapalibot sa libingan ng kanyang ina. (Rey Pumaloy)

The post Lotlot, Ian, Matet nagpamisa sa ‘40 days’ ni Nora Aunor first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments