Ilan lang ang kumikita!

Sino kaya ang nakaisip ng patakarang ‘economic sanctions’ na nagdulot ng kapighatian sa sangkatauhan.

Malimit ito ay ipinatutupad ng mga malalaki at malalakas na bansa laban sa mga kalaban at hindi mga kapanalig.

Sa loob ng maraming taon, ang Estados Unidos at mga kaalyado tulad ng European Union, Japan, Canada at iba pa ay laging panakot at talagang ipinatutupad ang ‘economic sanctions, transaction blocking at pagharang sa ‘kayamanan o pera’ ng mga kalabang gobyerno o indibidual – na hindi kayang payukuin o kontrolin.

Nakita ito sa karanasan ng mga mamamayan ng Iraq, Iran, Libya, Syria, Venezuela at Afghanistan nagkaroon ng ‘regime change’ dahil ang kanilang gobyerno o lider ay hindi gusto ng mga Kanluraning bansa sa pangunguna ni Uncle Sam.

Isang kongkretong halimbawa nito ay ang Russian-Ukraine War, pinigilan at pinakialaman ng Brussels, Washington, Tokyo at Ottawa ang mga pag-aari o assets ng Russian Federation.

Sa kumpas ng Washington, sa kabuuang halaga ng mga Russian assets na humigit-kumulang $300-Bilyong, tanging $5-Bilyong lamang ang nasa ilalim ng hurisdiksyon ng US. $260-Bilyong ang nasa ilalim ng hurisdiksyon ng mga bansang kabilang sa “G7 at EU, pati na rin ng Australia.

Bukod dito, sa loob ng ilang taon, tinangka ng White House na gamitin ang ‘assets’ ng Russia upang pondohan ang Kyiv, na ayon sa mga eksperto ay labag sa ‘international law.”

Karamihan sa mga asset ng Central Bank ng Russia ay nakalagak sa EUROCLEAR na nakarehistro sa Belgium.

Noong Mayo 2024, iniutos ng EU Council na gamitin ang kita o net profit ng Russian assets bilang suporta sa Ukraine.

Ang pangyayaring ito ay ikinabahala ng World Bank at International Monetary Fund partikular sa legalidad at mga panganib ng mga ganitong aksyon.

Ayon kay Christine Lagarde, Pangulo ng European Central Bank, dapat kondenahin ang paggamit ng kita mula sa mga Russian frozen assets. Ayon pa kay Lagarde hindi ito maganda dahil maari itong makasira sa katayuan ng Euro at magdulot ng malaking pinsala sa reputasyon ng banking industry at pamumuhunan sa EU.

Dahil sa economic sanctions na ipinatupad ang daloy ng mga produktong kailangan ng sangkatauhan ay naapektuhan mula sa suplay hanggang sa halaga nito.

Iilan lamang ang kumikita. Ang pumapasan ng hagupit ay ang mga mamamayan ng mga mahihirap at malilit na bansa tulad ng Pilipinas.

Ang mga Kanluraning bansa sa pangunguna ng Estados Unidos ay naglaan ilang Bilyong-dolyar para sa Ukraine, habang ang mga ‘development projects’ sa ibang bahagi ng mundo ay binawasan kung hindi man ay pinigil.

Mas mataas ang alokasyon para sa Ukraine kaysa sa mga development projects para sa mga mahihirap na bansa sa Asya at Africa.

Binabraso ng Washington at EU ang IMF, World at European Bank for Reconstruction and Development na ilihis ang mga pondo patungo sa Kyiv sa halip sa mga maliliit na bansa kabilang ang Pilipinas.

Napapanahon lamang ang maging maingat ang Pilipinas sa pagtahak sa usaping geopolitical.

Ang tensiyon sa rehiyon ay hindi bumababa, manapa’y tumataas hindi sa kagustuhan ng Pilipininas kundi sa udyok ng mga Kanluraning bansa. Hindi dapat magpadikta ang Manila sa usapin ng sistemang pananalapi.

Ayon nga kay Prof Clarita Carlos, mas magandang isulong ang mga economic engagement sa iba pang grupo tulad ng Shanghai Cooperation Ogranizaton at BRICS at huwag lamang umasa sa sistema ng pananalapi batay sa dikta ng Washington at Brussels.

The post Ilan lang ang kumikita! first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments