Naghain ng resolusyon si 1-Rider Party-list Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez upang ipasilip sa Kamara de Representantes ang implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP) sa kabila ng mga hindi pa nareresolbang isyu rito na nagdudulot ng kalituhan sa mga motorista.
Ayon kay Gutierrez ang naunang implementasyon ng NCAP ay mayroong mga kinaharap na isyu gaya ng hindi malinaw na guidelines sa paglilipat ng pagmamay-ari ng sasakyan, hindi pare-parehas na implementasyon ng mga batas trapiko, at mga reklamo kaugnay ng hindi malinaw na road signage.
“Maganda naman po ‘yung layunin ng NCAP ang problema lang po talaga ‘yung implementation,” sabi ni Gutierrez sa isang panayam matapos ihain ang resolusyon.
Inihalimbawa ni Gutierrez ang butas sa gitna ng kalsada na nasa loob ng dalawang solid lane. “Kung solid lane dapat diretso lang pero kung minsan hindi naiiwasan na lumalabas sa linya, may notice for violation.” (Billy Begas)
The post Mga butas sa NCAP pinasisilip first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments