Nangangamba ang mga guro sa buong bansa, partikular ang Teachers’ Dignity Coalition (TDC), sa kakulangan ng sapat na paghahanda para sa pilot run ng binagong Senior High School (SHS) curriculum na sisimulan sa mahigit 800 paaralan sa pagbubukas ng School Year 2025–2026, simula Hunyo 16.
Binigyang-diin ni Benjo Basas, national chairperson ng TDC, na kulang sa sapat na materyales at pagsasanay ang maraming guro, na nagdudulot ng pressure at posibleng makaapekto sa kalidad ng pagtuturo.
Ayon sa DepEd, 841 pampubliko at pribadong paaralan, sa urban at rural na lugar, ang napili para sa pilot run ng bagong kurikulum.
Bagama’t kinilala ni Basas ang pagdagdag ng Philippine History bilang core subject, isang matagal nang adbokasiya ng TDC, iginiit niya na ang reporma sa kurikulum ay isa lamang aspeto ng malawakang pagbabago.
Muling nanawagan ang TDC sa pamahalaan na unahin ang mas mahalagang isyu tulad ng kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan sa pag-aaral, sapat na kompensasyon at kapakanan ng mga guro, at paglikha ng kapaligirang angkop para sa pagtuturo at pagkatuto. (Ronilo Dagos)
The post Mga guro may pangamba sa binagong Senior High School curriculum first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments