Nanawagan ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa pamahalaan na pag-aralan ang pagbibigay ng ayuda, subsidiya, o tax relief sa mga negosyong nalulugi sa Eastern Visayas dahil sa pagsasara ng San Juanico Bridge.
Ang subsidiya para sa mga maliliit na negosyo ay maaaring gawing bahagi ng “urgent economic mitigation plan” para maibsan ang pinsalang dala ng pagsasara ng tulay.
“The San Juanico Bridge is not merely a physical connection between two islands; it is the economic artery of Eastern Visayas,” giit ng PCCI.
Sa unang linggo pa lang ng pagsasara, may mga negosyong nalugi na umano ng hanggang 30%.
Sabi ng PCCI, nakikiisa sila sa mga pangamba ng business community sa Eastern Visayas sa epekto ng pagsasara ng San Juanico Bridge.
Dahil sa pagsasara, nakita ng PCCI na naaantala na ang biyahe ng pagkain, gamot, at gasolina; tumaas ang gastos sa transportasyon; naapektuhan ang kilos ng mga manggagawa; at lumiit ang kita ng micro, small, and medium enterprises o MSME. (Eileen Mencias)
The post Mga negosyante humirit ng ayuda sa pagsasara ng San Juanico Bridge first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments