Isang mas disiplinado at maangas na Gilas ‘Pinas Youth squad ang walang awang dumurog sa Malaysia, 96-61, sa FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers nitong Huwebes ng gabi sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Pabida sina Travis Pascual at Jeremiah Antolin na may tig-15 points, habang naghatid si Prince Cariño ng all-around game – 13 pts., 11 rebounds, tig-2 assists, steals, at blocks – para sa panglimang ragasa ng Nationals.
Pinuno ni Everaigne Cruz ang stat sheet ng 14 markers, 4 boards, 3 asts., steals, at blks. Nagdagdag sina Jolo Pascual at Jhello Lumague ng tig-10 puntos para sa host team.
Ang mahigpit na panalo laban sa Indonesia noong Miyerkoles, ang nagpatalas at mas nagpadeterminado sa PH 5 kontra Malaysians. Makalipas ang 7-all deadlock sa unang bahagi, pakawala ang Gilas Boys ng 21-5 run na nagpasindak sa kalaban sa pagpalayo sa 28-12 lead.
Hindi na sila lumingon, pinapanatili ang kontrol sa buong laro, 5-0 sweep sa elimination round at nagtakda ng finals rematch sa pinakamahigpit na karibal na Indonesians.
Anuman ang resulta sa championship match, nasungkit na ng mga Pinoy ang puwesto sa FIBA U16 Asia Cup tournament proper sa August sa Mongolia. (Abante Tonite Sports)
The post Disiplinadong Gilas Youth dinurog Malaysia, abante sa Asia U-16 Cup first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments