Sa darating na Hunyo 7, 2025 ay magreretiro na si Gen. Rommel Francisco D. Marbil bilang pinuno ng Philippine National Police (PNP) at nahaharap si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa malaking hamon—sino ang karadapat hirangin bilang bagong hepe ng pambansang kapulisan.
Hindi simple ang pagpili ng magiging hepe ng PNP, kailangan maipuwesto ang heneral na may magandang record, may mataas na respeto mula sa mga nasa ibabang ranggo, tapat, may paninindigan at hindi sunud-sunuran sa sinumang pulitiko.
Ang pagpili ng heneral na magtitimon sa PNP ay hindi kailanman tungkol lamang sa ranggo. Ito ay usapin ng tiwala.
Sinu-sino nga ba ang mga kandidatong maging tagapagmana ng posisyong iiwan ni General Marbil? Kabilang sa mga pinagpipilian sina LtGen. Jose Melencio Nartatez, LtGen. Edgar Allan Okubo, MGen. Nicolas Torre III, at BGen. Anthony Aberin.
Ang mga nabanggit na personalidad ay may kanya-kanyang katangian at lakas. Puwedeng sabihing lahat sila’y kuwalipikadong humawak sa posisyon. Ngunit sa kasalukuyang lagay ng pulitika, hindi simpleng kakayahan ang dapat isaalang-alang.
Kailangan ni Pangulong Marcos ng PNP Chief na magiging kapartner sa pagmamantine ng peace and order at hindi isang opisyal na magiging sakit ng ulo at magiging dahilan ng lalo pang pagkakawatak-watak kapag naiupo sa puwesto. Kailangan ng Pangulo ng PNP chief na makakahanay ng kanyang adhikain at mapapagkatiwalaang sumawata sa posibleng pag-usbong ng mga kaguluhan.
Si Nartatez ang pangalawang Hepe ng PNP kaya kung susuriin ay pinakamalakas na kahalili. Subalit matunog sa Camp Crame at maging sa social media ang kanyang malalim na ugnayan kay Senadora Imee Marcos.
Sa nagdaang halalan, harap-harapang tinuwaran ni Sen. Imee si PBBM at nagpakita pa ng pagkampi kay Vice President Sara Duterte. Malaking pabigat kay Nartatez ang koneksyon niya kay Sen. Imee dahil makukuwestyon na agad kung saan nakakiling ang kanyang loyalty. Sa mga tsikahan sa kapulisan, si Nartatez daw ay mata at tenga ni Sen. Imee sa loob ng PNP.
Hindi lamang ang koneksyon kay Sen. Imee ang nagiging isyu kay Nartatez kundi ang mga alegasyon sa social media at mga vlog na nagkokonek sa kanya sa ilegal na sugal at droga. Walang nagpapatunay dito pero nakukulayan ng mga mahahalagang isyung ito ang kuwalipikasyon ni Nartatez.
Si MGen. Torre ay nagpakita ng pagiging palaban at kahandaang ipaglaban ang kautusan ng kanyang kumander. Nakilala siya nang husto sa mga sensitibong operasyon ng pag-aresto kay Apollo Quiboloy at kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Taglay ni Torre ang tapang na ipatupad ang mga prayoridad ng administrasyon sa pagpapatupad ng batas.
Subalit si Torre ay umani ng galit sa mga supporters ng mga Duterte. Posibleng maging malaking hadlang kay Torre ang mga pro-Duterte group pagsalang sa Commission on Appointments (CA) sakaling siya ang hirangin ni Pangulong Marcos.
Sina LtGen. Okubo at BGen. Aberin ang maituturing na neutral sa pulitika. Tahimik ang dalawang heneral at hindi nasasangkot sa mga kontrobersya at awayang pulitika. Kilala rin sila sa hanay ng kapulisan bilang may “matatag na mga kamay” at hindi nagpapaapekto sa mga paksyon. Para sa isang administrasyong binabagyo ng mga usaping pulitikal, posibleng kailangan ng isang PNP chief na magiging neutral at loyal sa bayan.
Hindi makakatulong sa administrasyong Marcos ang isang PNP chief na tapat sa katunggali sa pulitika pero hindi rin makakatulong ang isang heneral na magpapaka-tuta sa pamahalaang Marcos. Para sa interes ng bansa, higit na makakabuti ang isang PNP chief na loyal sa bansa, sa sambayanang Filipino at sa kanyang sinumpaang tungkulin na panatilihin ang kapayapaan at kaayusan.
Mahalagang bago dumating ang June 7 ay mapagdesisyunan na kung sino ang tunay na karapat-dapat maging kapalit ni General Marbil. Malaking responsibilidad ang kakaharapin ng bagong PNP Chief dahil sa lumalakas na pagtatangka ng destabilisasyon.
Hangad naming manaig sa pagdedesisyon ng Pangulo ang pagpili sa heneral na may matibay na paninindigan at tapat sa ating bayan. Kailangan natin ng PNP Chief na magtataguyod sa interes nating lahat at hindi ng iilan lamang. Kailangan natin ng PNP Chief na may tunay na pagmamalasakit sa bayan.
Ibalik natin ang malaking tanong: Sino sa mga kandidatong heneral ang higit na karapat-dapat na maging bagong PNP Chief?
The post Sino ang higit na karapat-dapat sa PNP? first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments