Inihayag kahapon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na 19 na bagyo ang papasok sa bansa simula ngayong buwan ng Hunyo hanggang Nobyembre.
Sa inilabas na Monthly Tropical Forecast ng Pagasa, ngayong Hunyo ay asahan ang isa hanggang dalawang bagyo na papasok sa bansa, habang tig-2 hanggang 3 sa Hulyo at Agosto, tig-dalawa din hanggang 4 sa Setyembre at Oktubre at 2 hanggang 3 sa Nobyembre.
Pero ayon sa Pagasa, sa kasalukuyan ay wala pa namang aktibong bagyo ang namamataan sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Para sa unang linggo ng forecast period ay may inaasahan na Tropical Cyclone-Like Vortex na mabubuo sa Philippine Sea.
Gayunman, sa ngayon umano ay mababa ang tiyansa na mabuo ito bilang isang bagyo. (Dolly Cabreza)
The post 19 bagyo mananalasa – Pagasa first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments