Ashley Ortega nagmukhang ‘ kawawa’ kay Shuvee Etrata

May mga nang-intriga kina Ashley Ortega at Shuvee Etrata dahil sa mas bongga raw ang pa-welcome kay Shuvee kaysa sa dyowa ni Mavy Legaspi.

Sa office lang daw ng Sparkle ang pa-welcome, samantalang sa bigger area ng GMA Annex ang welcome party kay Shuvee.
Isa pang pagkukumpara, kasama raw ni Shuvee ang parents niya at ang suitor niyang si Anthony Constantino at sinalubong siya ng kanyang fans.

Si Ashley, head ng kanyang management at mga nakasama sa series niyang “Hearts On Ice” ang nandoon .Absent din ang boyfriend niyang si Mavy.
May sagot dito ang Sparkle, wala ang mom ni Ashley sa pa-welcome sa kanya dahil hindi pa sila okay. Hindi sila nag-imbita ng fans ng aktres na kung nag-invite, siguradong darating sila. Sa absence ni Mavy, siguro dahil nagkita na sila nang ma-evict si Ashley sa Bahay Ni Kuya dahil kabilang si Mavy sa host ng PBB.
Pinapunta pala ng management ni Shuvee sa Manila ang parents at siblings niya. Na-meet na nila si Anthony. Present ang aktor nang mag-dinner ang Etrata family at may isang photo na karga niya ang batang kapatid ni Shuvee. Ang biruan ng fans, marunong daw manuyo ang binata.

Samantala, mahal at handang gastusan ng kanyang fans si Shuvee. May pa LED billboard sila sa kanya sa may EDSA. Ang laki ng billboard at kahit hindi nakasali sa Big Four at wala nang pag-asang manalo, tuloy ang pagsuporta nila sa kanya. (Nitz Miralles)

The post Ashley Ortega nagmukhang ‘ kawawa’ kay Shuvee Etrata first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments