Digong walang hirit na ampunin ng Australia – VP Sara Duterte

Nilinaw kahapon ni Vice President Sara Duterte na hindi kailanman nakipag-ugnayan ang legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Australia kaugnay ng interim release ng kanyang ama sa International Criminal Court (ICC).

Reaksiyon ito ng Bise Presidente nang tanungin ng reporter tungkol sa ulat na tinanggihan umano ng Australia na kupkupin ang dating pangulo kaugnay ng hiling nitong pansamantalang paglaya sa kustodiya ng ICC.

“I saw an email by a certain Hasna of Department of Foreign Relations and Trade. First off, I’d like to clarify that the defense team of President Duterte never reached out to the Australian government to discuss about his interim release,” saad ni VP Sara.

“There is no application of former President Duterte for interim release in Australia,” dagdag pa niya.

Binigyang-diin pa ng Bise Presidente na walang nakasaad na Australia sa dokumentong inihain ng mga abogado ng kanyang ama sa ICC para sa interim release nito.

Ayon pa kay VP Sara, wala ring intensiyon ang kampo ng kanyang ama na mag-apply para sa interim release sa gobyerno ng Australia.

“Ang na-mention ko lang naman sa previous interviews ko is that meron list of countries na sinulat ang defense team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan nila iniisip na puwede mag-apply ng interim [release],” ani VP Sara. (Issa Santiago)

The post Digong walang hirit na ampunin ng Australia – VP Sara Duterte first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments