Sa unang pagkakataon sa San Miguel Corporation-3rd Collegiate Press Corps (SMC-CPC) Awards Night 2025, sa wakas ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga football player na sumikat kasama ang mga taga-basketball at volleyball.
Napili ang FEU stars na sina Mon Diansuy at Carmela Altiche bilang kauna-unahang awardees para sa CPC UAAP Men’s and Women’s Football Players of the Year nang pangunahan nila ang Tamaraws sa makasaysayang golden double habang, ang kabayanihan ni Amir Aningalan sa three-peat campaign ng San Beda University ang recipient ng CPC NCAA Football Player.
Makakasama ng mga footballer ang iba pang collegiate stars sa kaganapang mga itatanghal ng Philippine Sports Commission, Pilipinas Live at GMA sa Hunyo 30 sa Discovery Suites sa Ortigas, Pasig. Aayuda rin ang World Balance, E-Sports International, Centaur Marketing, My Daily Collagen at Buffalo’s Wings N’ Things.
Ang CPC ang lumitaw nang pagsama sa isang payong noong 2022 ang magkahiwalay pa noong UAAP Press at NCAA Press Corps tapos ng isang dekada. Nong nakaraang taon nagsimulang lumawak ang pagkilala sa mga pinakamahuhusay na manlalaro ng volleyball sa bansa sa unang pagkakataon din bago ang dinagdag ang mga Football Player of the Year mula sa parehong mga liga sa pagkakataong ito.
Si Diansuy, na gumaganap bilang goalkeeper, ang naging instrumento sa championship run ng FEU na minarkahan ng kapanapanabik na finale win laban sa Ateneo sa mga penalty, 1-1 (5-4).
Ang 22-anyos na keeper mula sa Cotabato City ang nagselyo ng deal para sa Tamaraws tapos iligtas ang penalty ni Blue Eagle Jetro Flores at makuha ang kanilang ika-12 men’s football title.
“Puso kasi alam kong nauna kami naka-miss pero okay lang kasi alam ko rin masi-save ko rin lahat yun eh. Luckily, nai-save naman,” lahad ni Diansuy, ang 87th UAAP 2024-25 Most Valuable Player.
Sa women’s division, gumanap ng mahalagang papel si Altiche sa 3-2 lusot ng FEU laban sa La Salle sa Finals dahil hindi lang siya nag-convert ng penalty sa 45+7th minutes kundi gumawa pa ng krusyal na krus kay Regine Rebosura para sa goal sa ika-67 minuto.
Kinumpleto ng Lady Tamaraws ang three-peat ng UAAP championships at sinungkit ang ika-13 titulo, pinakamarami sa walong paaralan.
Itinanghal din si Altiche bilang UAAP MVP, na nag-iwan ng tanyag ng karera niya sa kolehiyo bilang isang kampeon.
Napakaganda naman ng pagkapanalo sa NCAA title ng San Beda at naging Season MVP Aningalan noong nakaraang taon, kailangan niyang gawin ito ng dalawang beses.
Hinarap muli ang finalists noong nakaraang taon na College of Saint Benilde sa NCAA Season 100 men’s football championships, muling umarangkada si Aningalan para makuha ng Red Booters ang ika-26 na pangkalahatang titulo.
Matapos ang walang puntos na first half, nalampasan ng 23-anyos na forward mula sa Zamboanga City ang depensa ng Blazers bago inilagay ang bola sa likod ng net sa ika-46 na minuto at selyuhan ang hat trick ng San Beda. (Abante Tonite Sports)
The post Carmela Altiche, 2 pa swak sa SMC-CPC Awards Night first appeared on Abante Tonite.For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.
0 Comments