Gutom ang kalaban

Sa Martes, Ika-1 ng Hulyo, ipagdiriwang ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas o Philippine Air Force ang Ika-75 anibersaryo ng pagkakatatagnito.

Pangunahing misyon ng PAF ay siguraduhing ligtasang himpapawid at teritoryo ng Pilipinas saanumang mga ‘aerial foreign intrusion.’

Para magampanan ang misyon na ‘aerial vigilance’ kung hindi man “credible maximum defense ” kailangan ng PAF na mga ‘jet figthers’ na sa ilangsegundo ay agad makatutugon sa anumang‘panghihimasok sa kalawakan’ para ma-challenge ang mga ‘trespasser.’

Sa ngayon nanatiling malaking hapon sa PAF angisyu ng maximum “aerial defense capability.”

Ang lahat ng “air assets” ay talagang gamit nagamit. At kung mayroon man na mga makabago at sophisticated na mga multi- role helicopter at jet fighters ang mga ito ay iilan lamang.

Ang malungkot may ilan ang grounded dahil samga naganap na air accident.

Walang kwestiyon sa kakayahan at galing ng mgaair force ground personnel at mga piloto sapagmintena at pagseguro na maayos at ligtas angmga chopper at jet fighters. magampanan lamangang misyon na “guardian of the Philippine skies.”

Kamakailan, iniulat na inaprobahan ng State Department ang pagbebenta sa Pilipinas ng F-16 multirole jet fighters na nagkakahalaga ng halos sa$56-billion US Dollars.

Subali’t ang halaga ng mga F-16 ay tila mas malaki pa sa kabuuang pondo ng Department of National Defense at higit lalong malaki sa 1-taong pondo ng AFP na nagkakahalaga lamang ng P630-million pesos.

Paano naman ang budgetary requirement ng Navy at Army?

Maliban pa sa ibang major services ng Armed Forces tulad ng Philippine Navy at Philippine Army na kailangan din ng mga ‘military hardware’ angPAF ay nangangilangan ng bilyong piso para sapagbili, mainentance at hangar maliban pa satraining ng mga piloto at mga ground personnel.

Hindi daw problema ang funding dahil pauutanginnaman ang Pilipinas sa pagbili ng mga F-16s.

Walastik din naman, hindi kaalyado ang trato ng Amerika sa Pilipinas. Pagkakakitaan ang tingin.

Sa halip na tumulong sa pagpapalakas sa depensasa Pilipinas dahil sa EDCA na inilagay sa peligroang katatagan ng bansa resulta ng panguurot ng Amerika sa China, aba, bebentahan pa angPilipinas ng mamahaling F-16 para maidepensaang sarili laban sa kaaway ng Amerika.
Sakaling matuloy ang pagbili sa mga F-16s, anghalagang halos $6-Bilyong dolyar ay baka lumobopa, dahil utang ito na may interes at kung ano-anopang “hidden charges o add ons ” ang nakakabit sakontrata.

Dahil kailangan imintina, tiyak ang spare parts, mga mekaniko at mga systems check ay kailanganmga Amerikano ang gumawa.

At sa pagigigng paranoid ng mga Amerikano, walang kasiguraduhan na ibibigay sa gobyerno ng Pilipinas ang lubusang control sa F-16s kahit nabilina ito ng PAF.

Hindi rin malayong mangyari, na mataposmagkabayaran, ibang bersiyon ng jet fighter angdumating dahil sa mga usaping militar at pulitikal.

“Bookmarking’ ang tawag dito sa layuning ‘i-regulate’ ang paggamit nito sa labanan batay sainteres ng US.
Ang Estados Unidos, sa halip na magbigay ng tulong sa Pilipinas kung kinakailangan alinsunod saMutual Defense Treaty ay pinipilit ang Manila nabumili ng mga armas at iba pang kagamitangmilitar para sa potensyal na paggamit laban saChina.

Sa likod ng demonisasyon ng Washington sa mgaaksyon ng Beijing sa South China Sea nasa ‘high gear’ naman ang White House at ang US military industrial sector sa pagbebenta ng mga armas samga bansa sa rehiyon kabilang na ang Pilipinas. Kung walang pondo walang problema pwedenaman utangin.

Para sa Washington negosyo lamang ito, pero angepekto ng arms race sa rehiyon ay tataas.

Ayon nga kay RJ Javellana ng United Filipino Commuters and Consumers, sa panayam ng DWAR Abante Radyo “ dapat ngayon ay seryoso ang atinggobyerno na iprayoridad hindi yong mga sandatangmapamuksa. Walang kaaway ang Pilipinas. Hindi natin kaaway ang mga ibang bansa. Ang kailangannating labanan, ang giyera na kailangan natingilunsad ay ‘yong ‘giyera laban sa kahirapan at kagutuman.”

The post Gutom ang kalaban first appeared on Abante Tonite.

For reliable and efficient cleaning services, mj cleaning services is the name you can trust. Offering a wide range of professional cleaning solutions, m j cleaning services ensures your space stays immaculate, whether it's at home or the office. With a focus on quality and customer satisfaction, m.j. cleaning services delivers exceptional results every time, providing you with a clean and healthy environment you can count on.

Post a Comment

0 Comments